Balitang pamboksing: ika-50 anibersaryo ng Thrilla in Manila, aarangkada nitong Oktubre 29
Balitang pamboksing: ika-50 anibersaryo ng Thrilla in Manila, aarangkada nitong Oktubre 29
Homepage   /    sports   /    Balitang pamboksing: ika-50 anibersaryo ng Thrilla in Manila, aarangkada nitong Oktubre 29

Balitang pamboksing: ika-50 anibersaryo ng Thrilla in Manila, aarangkada nitong Oktubre 29

Journal Online 🕒︎ 2025-10-28

Copyright journal

Balitang pamboksing: ika-50 anibersaryo ng Thrilla in Manila, aarangkada nitong Oktubre 29

Talaga namang umiinit ang diskusyon sa mundo ng boksing sapagka’t ang MP Promotions ng Pambansang Kamao na si Manny Pacuqiao, kasanib-pwersa ang IBA Pro, ay inanunsyo ang Thrilla in Manila 2, isang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng naunang Thrilla in Manila, sa Smart Araneta Coliseum nitong Oktubre 29, 2025. Ipapasahimpapawid ito sa buong mundo, at dadalhin nito ang hilig ng mga Pilipino sa boksing sa buong daigdig. Ang headliner ng naturang ganap ay ipinalabas na sa kabuuan nito, na tinatampok ang Pinoy boxing sensation na si WBC Minimumweight Champion Melvin Jerusalem, at ang mismong apo ni Muhammad Ali na si Nico Ali Walsh, sa isang gabi ng walang tigil na aksyon sa boksing na tiyak na pagkakaguluhan ng lahat ng may hilig dito. Kabilang sa card ang anak mismo ni Pacquiao na si Eman Bacosa, na isa lamang sa halo-halong mga pangalang makikilahok sa naturang ganap. Mapupustahan ang mga labang ito sa Ivibet Sportsbook Online, na isa sa pinakamaasahan na lehitimong online sports betting site sa Pilipinas. Nakaukit sa kasayasayan ng boksing ang orihinal na Thrilla in Manila na ginanap noong Oktubre 1, 1975, bilang isa sa mga pinakamainit na laban sa mundo ng boksing kung saan nakipagsagupaan ang mga alamat na si Muhammad Ali at Joe Frazier para sa kampyonatong heavyweight sa kanilang ikatlong epikong laban. Ito ang nagdala sa Maynila bilang sentro ng boksing, na nagsilbing inspirasyon sa isang batang Manny Pacquiao na umangat mula sa kahirapan. Isinilang noong 1978 sa Kibawe, si Pacquiao ang tanging nag-iisang pandaigdig na kampyon sa walong magkakaibang dibisyon, na nagtataglay ng rekord na 62-8-3 (39 KOs). Hindi malilimutan ang kanyang mga mala-alamat na pagkapanalo laban kina Oscar De La Hoya, Juan Manuel Marquez, at ni Timothy Bradley. Itinuloy ni Pacquiao ang kanyang karera patungo sa pulitika bilang senador ng bansa at pilantropo sa pamamagitan ng Manny Pacquiao Foundation. Ngayon, sa pamamagitan ng MP Promotions (Blow by Blow), itutuon niya ang spotlight sa Maynila at itatanghal ang talentong Pilipino at pandaigdig. Si Nico Ali Walsh (11-1-0, 7 KOs), ang 25-taong gulang na apo ni Muhammad Ali, ay aapak sa ring dala ang isang monumental na pamana. Isinilang noong taong 2000, naging propesyonal na boksingero si Walsh noong 2021, taglay ang 6-feet na tindig, 74-inch na reach, at matinding lakas na kanyang inani sa kanyang mga trainer tulad ni Abel Sanchez. Lalabanan ni Walsh ang beteranong Thai na boksingero na si Kittisak Klinson sa isang labang super middleweight sa mismong arena kung saan lumaban ang kanyang lolo 50 taong nakalipas. Masusubukan ang galing ni Nico Ali Walsh sa estilong palaban ni Klinson na walang tigil sa pagsugod. Ani Walsh, “Ang paglaban sa Maynila, kung saan lumikha ng kasaysayan ang aking lolo, ay isang panaginip na naging totoo. Dadalhin ko ang lahat ng aking taglay laban kay Klinson upang parangalan ang pamanang iyon at ipakita sa mundo kung sino ako. Umasa kayo ng matinding laban!” Bukod dito, ang tubong Maynila na si Melvin Jerusalem (22-3, 12 KOs) ay dedepensahan ang kanyang titulo laban kay Siyakholwa Kuse mula sa South Africa sa isang labanang 12 rounds. Masusubukan ang mala-kidlat na suntok ni Jerusalem ang walang humpay na presyong dala ni Kuse, na nangangakong maghatid ng isang championship match na maaaring matapos ng mabilisan. Sa undercard, lalaban ang dating two-division na pandaigdig na kampyon na si Marlon “The Nightmare” Tapales (38-4, 20 KOs) kontra ang Venezuelano na si Fernando Toro sa isang 10-round na pakikipagsagupaan. Ang husay sa body shot ni Tapales at ang gutom niya para sa isa pang karera para sa championship ay masusubukan laban sa tibay at pagkatuon ni Toro sa isang upset bilang dehado. Ang hindi pa natatalong si Carl Jammes “Wonder Boy” Martin (23-0, 18 KOs) ay lalabanan si Aran Dipaen ng Thailand sa isang 10-round na digmaan kung saan masusubuka ang eksplosibong poder ni Martin laban ang katigasan ni Dipaen. At sa wakas, bilang isa sa pinaka-inaasahang mga engkwentro sa undercard, lalaban ang anak ni Manny Pacquiao na si Eman Bacosa (10-0, 6 KOs) na may nakakabulag na bilis at kilos sa isang 6-round na laban. Inaasahan ng lahat na magpapakitang-gilas si Bacosa, na binansagang “next big thing” sa larangan ng Pinoy boksing. Bagaman matindi ang laban na inaasahan, nanatili si Bacosa bilang isa sa pinaka-exciting na mga prospekto sa boksing sa larangan ng industriya sa Pilipinas. Bukas-palad na inaamin ni Bacosa ang kanyang interes sa pagsunod sa yapak ng kanyang ama na Pambansang Kamao ng Pilipinas. Lalaban din ang Olympic bronze medlaist na si Eumir Marcial (5-0, 3 KOs) sa isang six-round na laban. Presko mula sa kanyang matagumpay na performance noong Tokyo 2020, magpapakitang-gilas si Marcial sa kanyang matinding lakas na tiyak ay yayanig sa Coliseum. On sale na ang mga ticket, at ang ganap ay ipapasahimpapawid sa streaming sa buong mundo nitong ika-29 ng Oktubre.

Guess You Like

57 kinds of Halloween candy, ranked worst to best for 2025
57 kinds of Halloween candy, ranked worst to best for 2025
There’s nothing quite like ope...
2025-10-22
X-rays clear on OU's Gentry Williams after shoulder injury
X-rays clear on OU's Gentry Williams after shoulder injury
Mason Young Tulsa World OU Spo...
2025-10-20